Preso inatake na nakuryente pa, tigok
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Tila doble ang inabot na kamatayan ng isang preso matapos na aksidenteng mapahawak sa kable ng kuryente habang pabagsak na sana siya sa sahig makaraang atakihin sa puso sa loob ng kanyang selda sa police station ng Rosario sa lalawigang ito.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang presong si Bryan Peji Dela Cruz, 38-anyos, residente ng Brgy. Sapa 4, Rosario, Cavite nang mangisay sa kuryente kasabay ng kanyang atake sa puso.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Donatila Quinto, alas-12:40 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng tulog ang mga kapwa preso nang makaramdam ng pananakit ng dibdib ang biktima hanggang sa bigla na lamang siyang atakihin sa puso.

Nang pabuwal na sana ay napahawak naman ang biktima sa kable ng kuryente sa loob ng kulungan at tuluyang nakuryente.

PRESO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with