^
Magkakaanak nakuryente: 2 patay, 2 malubha
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rodrigo Ramil, 56-an­yos, at Anthony Agcaoili, 46, habang inoobserbahan sa ospital sina Leynard Agcaoli, 26, at isa pang kaanak na 17-anyos, kapwa mga residente ng Barangay Lalog 2 sa nasabing bayan.
STAR/ File

Magkakaanak nakuryente: 2 patay, 2 malubha

Raymund Ca­tindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Dalawa ang patay habang dalawa rin nilang kaanak ang nasa malubhang kalaga­yan matapos silang sabay-sabay na mangisay dahil sa tumamang ma­lakas na boltahe ng kur­yente sa Brgy. San. Isidro, Luna, Isabela kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rodrigo Ramil, 56-an­yos, at Anthony Agcaoili, 46, habang inoobserbahan sa ospital sina Leynard Agcaoli, 26, at isa pang kaanak na 17-anyos, kapwa mga residente ng Barangay Lalog 2 sa nasabing bayan.

Ayon sa report, nagtatayo ng tripod na bakal ang mga biktima na gagamitin sa paghukay ng gagawing balon nang madikit ang dulo nito sa kable ng koryente ng Isabela Electric Coo­perative dakong alas-8:30 ng umaga.

Sinikap isugod ng mga sumaklolo sa hindi tinukoy na ospital ang apat kung saan idineklarang dead-on-arrival sina Ramil at nakatatandang Agcaoili. 

KURYENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with