^
7 staff ng DOH-Calabarzon positibo sa COVID-19
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo na isasara ang kanilang tanggapan mula Hulyo 27 hanggang Hul­yo 31 para sa gagawing paglilinis at disinfection.
AFP/Ted Aljibe

7 staff ng DOH-Calabarzon positibo sa COVID-19

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang linggo na pan­samantalang isasara ang tanggapan ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) matapos na magpositibo sa COVID-19 ang pitong staff nito sa isinagawang swab test sa lahat ng kanilang empleyado.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo na isasara ang kanilang tanggapan mula Hulyo 27 hanggang Hul­yo 31 para sa gagawing paglilinis at disinfection.

“Close contacts of those who have been found to be positive of the virus will undergo strict quarantine and isolation as per requirement to prevent its further spread. These measures shall be employed to ensure the health and safety of the employees and the public as well,” ani Janairo.

Nabatid na sa pitong confirmed cases, anim dito ay kasalukuyang active cases.

Dagdag pa ni Janiaro, lahat ng official communications ay idadaan sa kanilang DOH-Ca­labarzon official website  na chd4a_doh_ca­labarzon@yahoo.com at ipatutupad sa lahat ng kanilang staff ang “work-from-home (WFH)” basis  para maipagpatuloy ang mga serbisyong kinakaila­ngan.

Ang tanggapan ng DOH-Calabarzon Regional Office ay matatagpuan sa Quirino Memorial Medical Center Compound in Project 4, Quezon City. Babalik umano ang kanilang operasyon sa Agosto 3, 2020.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with