Pasahero tumalon sa jeep, tigok
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2020 - 12:00am

RIZAL, Philippines – Isang babaeng pasahero ang nasawi matapos na bigla umanong tumalon sa sinakyang pampasaherong jeepney sa Brgy. San Jose,  Antipolo City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Angelica dela Torre na unang isinugod sa Antipolo Cabading Hospital subalit dahil sa ma­tinding pinsala na tinamo sa ulo at katawan ay inilipat sa Amang Rodriguez Hospital pero dito siya idineklarang patay ng mga doktor habang nilalapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon, sumakay umano ang biktima sa passenger side ng jeep na may plakang TVF-126. Gayunman, habang binabagtas ng sasakyan ang Marcos Highway ay bigla na lamang umanong tumalon ang babae na nagresulta upang mahulog siya sa sementadong kalsada sanhi ng kayang pagkasawi.

HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with