Karnaper todas sa engkuwentro
Sa inisyal na ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales, pasado alas-9:00 ng gabi ay dumulog sa istasyon ang isang nagmamay-ari ng motorsiklo na tinangay umano ng isang suspek. Aniya, tinutukan siya ng baril at tinangay ang kanyang motorsiklong kulay white gray na Yamaha Nmax.
STAR/File
Karnaper todas sa engkuwentro
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Patay ang isang hinihinalang carnapper matapos makaengkuwentro ng mga pulis sa isang lumang gusali ng ospital sa Barangay Malabanias, dito noong Linggo ng gabi.

Sa inisyal na ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales, pasado alas-9:00 ng gabi ay dumulog sa istasyon ang isang nagmamay-ari ng motorsiklo na tinangay umano ng isang suspek. Aniya, tinutukan siya ng baril at tinangay ang kanyang motorsiklong kulay white gray na Yamaha Nmax.

Agad rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa maispatan ang ‘di kilalang suspek. Nagtangkang tumakas ang suspek sanhi ng habulan hanggang sa magkaroon ng palitan ng putok na ikinabulagta ng una. 

Narekober sa suspek ang isang kalibre.38 na baril, dalawang sachet ng shabu, isang sling bag na naglalaman ng iba’t ibang ID, isang Huawei Nova cellular phone na nagkakaha­laga ng P15,000.00 at P2.400 cash.

Ang napatay na suspek ay sangkot din sa nangyaring pagnanakaw ng motorsiklo kung saan pinukpok pa niya ang nagmamay-ari nito sa Brgy. Balibago sa labas ng isang establisimyento kamakalawa na nakuha ng CCTV.

CARNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with