3 empleyado ng casino nagpositibo sa COVID-19
Agad na nagsagawa ng disinfection sa buong pasilidad ng casino at contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong empleyado.
STAR/ File
3 empleyado ng casino nagpositibo sa COVID-19
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines  - Iniutos ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. at pamununan ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na pansamantalang isara ang Casino Filipino Angeles nitong Hulyo 17 matapos na tatlong empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19 sa Brgy Balibago kamakalawa.

Agad na nagsagawa ng disinfection sa buong pasilidad ng casino at contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong empleyado.

Nabatid kay Lazatin, ang lahat ng may close contact sa tatlong pas­yente ay dinala na Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO) personnel sa pasilidad ng City College of Angeles para sa mandatory quarantine at sumasailalaim sa swab testing.

All persons who had close contact with the patients were taken to the City College of Angeles (CCA) by the Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO) personnel for mandatory quarantine and polymerase chain reaction (PCR) testing or swab testing, Lazatin said.

Sa report ni Dr. Verona Guevarra, Angeles City Health officer-in-charge na ang tatlong pasyente ay naka-admit sa iba’t ibang ospital sa lungsod.

Samantala, mula sa 170,000 households sa siyudad, nakapagtala ng 42 confirmed cases ng COVID-19 na may 11 active cases, 27 recove­ries at apat ang nasawi.

PAGCOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with