_ngayon
^

Probinsiya

Alert status ng Mayon, ibinaba sa level 1

Angie dela Cruz, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Alert status ng Mayon, ibinaba sa level 1
Ayon sa Phi­volcs, ang paglagay sa alert level ng Mayon ay bunsod ng pa­tuloy na pagbaba ng mga aktibidad na naitatala sa bulkan tulad ng volcanic earthquakes, volcanic gas output, visual observation sa summit at ground deformation.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibinaba na kahapon sa alert level 1 ang status ng bulkang Mayon sa Bicol.

Sa inilabas na Mayon Volcano alert ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dakong alas-9:30 ng umaga kahapon, mula sa alert level 2 ay ibinaba ito sa alert level 1 o low level of unrest.

Ayon sa Phi­volcs,  ang paglagay sa alert  level ng Mayon ay bunsod ng pa­tuloy na pagbaba ng mga aktibidad na naitatala sa bulkan tulad ng volcanic earthquakes, volcanic gas output, visual observation sa summit at ground deformation.

Sa nakalipas na anim na buwan, bumaba ang mga nararamdamang pagyanig sa katawan nito na meron na lamang average na 1 volcanic earthquake bawat araw na posibleng sanhi ng pagkabasag ng mala­laking tipak ng bato sa ilalim at sa paminsang-minsang rock fall event.

Mababa na rin ang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) kung saan ang pinakamababa ay noong Hunyo 30 na uma­bot na lamang ng 229 tonelada bawat araw na mas mababa sa baseline ave­rage na 500 tonelada kada araw.

Mahina naman ang nakikitang pamumula ng bunganga ng bulkan o ang crater glow na sanhi ng mainit na gas na lumalabas. Maging ang konting pamamaga ng katawan ay makikita na lamang sa mababa hanggang sa gitnang bahagi habang halos wala nang pamamaga sa itaas na bahagi.

Sa kabila nito, patuloy ang babala ng Phivolcs sa lahat ng mga residente sa paligid ng Mt. Mayon lalo na sa mga barangay ng Legazpi City, Daraga, Camalig, Sto.Domingo, Malilipot, Guinobatan at Tabaco City na pasok sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) na umiwas sa pagpasok dahil sa posible pa ang pagkakaroon ng mga rockfall events at big­laang steam driven o phreatic explosion, ash puff at avalanche.

MAYON VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with