^

Probinsiya

Ginang ginahasa bago inutas sa sakal

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ginang ginahasa bago inutas sa sakal
Kinilala ng Mlang Po­lice ang biktima na si Cherie Mae Martinez dela Cruz, 25-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang ginang matapos na gahasain at pagsasakalin hanggang sa mamatay ng isang lasing na mister sa Purok 4, Katipunan, Mlang, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Mlang Po­lice ang biktima na si Cherie Mae Martinez dela Cruz, 25-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang naarestong suspek na si Arnel Silvano Miñoza, 40-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Avocado, Brgy. Onica, Kidapawan City.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na sana ang biktima sa kanilang tahanan habang dumadaan sa gilid ng sapa nang salu­bungin siya ng suspek at biglang sung­gaban.

Nagpumiglas ang ginang pero agad siyang ginahasa nang walang ka­­laban-laban at nang magsisigaw ng tulong ay sinakal pa siya ng sus­pek hanggang sa malagutan ng hininga dakong alas-5:00 ng hapon nitong Martes.

Nabatid na nakainom umano ang suspek nang isagawa nito ang krimen.

Matapos na madis­ku­bre ang bangkay ng ginang, agad na nagsa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya at natukoy ang suspek.

Ikinasa ang manhunt operation laban sa suspek at naaresto siya ng nasabi ring araw sa Brgy. Onica, Kidapawan City matapos siyang ituro ng isa sa mga nakasaksi sa naturang karumal-dumal na krimen.

Naulila ng biktima ang kanyang asawa at tatlong mga anak.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with