^

Probinsiya

Sundalo, online seller timbog sa buy-bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Sundalo, online seller timbog sa buy-bust
Sinabi ni Isabela Police Director Colonel James Cipriano na dalawa pang sachet ng shabu ang nasamsam kay Ssgt. Joseph Donato 44 habang iniim­bestigahan matapos siyang damputin sa pagbenta ng isang sachet sa undercover agent sa Brgy. La­bi­nab grande, Reina Mercedes.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Timbog ang isang sarhento ng Army at isang online seller kasunod ng magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Reina Mercedes, Isabela at lungsod na ito kahapon.

Sinabi ni Isabela Police Director Colonel James Cipriano na dalawa pang sachet ng shabu ang nasamsam kay Ssgt. Joseph Donato 44 habang iniim­bestigahan matapos siyang damputin sa pagbenta ng isang sachet sa undercover agent sa Brgy. La­bi­nab grande, Reina Mercedes.

Si Donato ay nakatalaga sa 503rd Army Infantry Brigade na naka-base sa Tabuk City, Kalinga. Saman­tala, walong sachet ng shabu na halos P50,000 ang halaga ang nakuha sa online seller na si John Paul Dulin, 22.

Nabatid na nagbenta umano ng droga si Dulin sa pamamagitan ng pagkuha ng order sa internet. Kasamang nadakip sa buy-bust na isinagawa sa Brgy. Leonarda sina Danilo Abaya, 39, Manuel Cabildo­, 26, at Lovely Badajos, 40, na pawang kasabwat umano ni Dulin na high value target ng awtoridad

vuukle comment

ONLINE SELLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with