^

Probinsiya

Magdamagang drug ops sa Cavite: 37 ‘tulak’ arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magdamagang drug ops sa Cavite: 37 �tulak� arestado
Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office, isinagawa ang buy-bust operation sa pa­gitan ng alas-12:30 ka­­­makalawa ng hapon hanggang alas-4:40 kahapon ng madaling araw sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Sa kabila ng mahigpit pa ring ipinapairal ang curfew sa ilalim ng general community quarantine, kabi-kabilaan pa rin ang ginagawang transaksyon sa ipinagbabawal na gamot matapos na masabat ang tinatayang mahigit sa P300,000 na halaga ng shabu sa isang tulak­ na lumabag sa curfew habang nasa 36 pang drug suspect ang dinampot sa isinagawang magdamagang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar dito.

Kinilala ng pulisya­ ang mga naarestong suspek na sina Kevin Carlo Pascual, 29; Christopher Hernandez, 43; Jernica Hernandez; 44; Ma. Maricar Cuazon; 26; Vergie Magat, 38; Rose Maica Frias, 26; Mary Ann Co­rollo, 33; Johaimin Diaka, 27; Norsina Limbona, 27; Salman Batugan, 26; George Sapanta, 47; Dennis Pugong Zapanta, 64; Romero Estores, 59; John Cris Naig, 29; Andy Dimapilies, 47; Jay R Asunsion; Danny Novales, 54; Rod Dela Cruz, 29; Mary Jane Sierra, 41; Kennedy Cuenca, 49; Ka­ren Gail Manuel, 33; Teresita Santos, 54; Angielyn De Guzman, 29; Reynan Veras, 33; Fernan Zantua, 22; Ferdinand Medalla; Reynan Apostol; Joel Cabrillas, 28; Renald Luna, 35; Jemma Camerino, 48; Rhodora Alonzo, 49; Ernesto Roman, 59; Ha­rold Samson, 21; Jonas Peroche; Alfie Gopez; Eugene Dela Torre, 36 at June Cordero, 46.

Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office (CPPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pa­gitan ng alas-12:30 ka­­­makalawa ng hapon hanggang alas-4:40 kahapon ng madaling araw sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa datos, nanguna ang Bacoor City kung saan 16 na pawang mga tulak ang inaresto kasunod ang Imus City, 10; habang tig-3 naman sa Rosario at GMA at tig-2 sa Tagaytay City at Gen. Trias City, pawang sa Cavite.

Subalit sa magdamagang buy-bust operation, namumukod tangi ang pagkakahuli kay Pascual na naispatan sa kalsada ng mga pulis habang umi­iral ang curfew dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw sa Aragon St., Panapaan 1 Bacoor City. Sinita ang suspek­ at tinanong ang hawak­ nitong itim na helmet subalit imbes na ipakita ay sinigawan pa ang mga awtoridad dahilan upang arestuhin at inspeksiyunin ang dala nito at dito nadiskubre ang tinatayang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P325,000.

vuukle comment

BUY-BUST

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with