^

Probinsiya

No. 1 at 2 ‘top most wanted’ sa Cagayan nalambat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang itinuturing na top 1 at 2 most wanted persons sa Cagayan matapos madakip ng mga ope­ratiba ng pulisya  sa magkahiwalay na lugar, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Col. Ariel Quilang, provincial police director ng Cagayan ang mga nadakip na akusado na sina Alex Inong, 43, top 1 most wanted na residente ng Brgy. Bangan, Sanchez Mira, Cagayan at si Alhen Javier, 27, top 2 most wanted na residente ng Barangay Dibay sa islang bayan ng Calayan sa nasabing lalawigan.

Unang dinakip kamakalawa si Inong dahil sa kasong pagpatay at paglabag sa RA 8294 habang si Javier ay dinakip din sa hiwalay na lugar dahil naman sa kasong 2 counts of rape. Pareho na walang inire­komendang piyansa ang korte para sa kanilang pan­samantalang kalayaan.

Pinasalamatan naman ni Quilang ang mga ope­ratiba ng pulisya sa matagumpay nilang operasyon lalo na ang ilang mga residente na tumulong at nagbigay sa kanila ng kaukulang impormasyon para sa pagkakahuli ng dalawang wanted.

vuukle comment

MOST WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with