^

Probinsiya

3 ‘wanted’ bulagta sa shootout!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
3 �wanted� bulagta sa shootout!
Kinilala ni Sultan Kudarat acting police director Colonel Noel Kinazo ang mga nasawing suspect na sina Tongal Usop na may kasong murder, Mhajirin Usop na may kasong frustrated murder at Mohamiden Dagadas na kasama ng isa sa dalawang primary wanted persons na taga-President Quirino, Sultan Kudarat.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Patay ang tatlong wanted persons sa isinagawang pagsa­lakay ng mga tauhan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office sa Brgy. Malangit, Pandag, Maguindanao kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ni Sultan Kudarat acting police director Colonel Noel Kinazo ang mga nasawing suspect na sina Tongal Usop na may kasong murder, Mhajirin Usop na may kasong frustrated murder at Mohamiden Dagadas na kasama ng isa sa dalawang primary wanted persons na taga-President Quirino, Sultan Kudarat.

Sa report, hindi pa nakakalapit sa lungga ng mga suspek ang mga awtoridad nang sila ay paulanan ng bala.

Dahil dito, nagkaroon ng ilang minutong engkuwentro pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang tatlong suspek pero idineklara silang dead-on-arrival.

Nakuha mula sa tatlo ang isang 12 gauge shot gun, isang cal. 38 revolver at isang fragmentation grenade.

Sa kabila nito, sinabi ng mga kamag-anak na hindi nanlaban ang tatlo at ang mga baril ay inilagay lang ng mga pulis upang pagtakpan ang kanilang operation.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with