2 ‘gunrunner’ todas sa engkuwentro
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na hinihinalang miyembro ng gunrunning syndicate matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa Purok 2, Brgy. Anunas, Martes ng madaling araw.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Leoncio Ceballos na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya at residente ng Brgy Sapang Bato; Joshua Castro ng Brgy. Dau, Mabalacat City at Number 1 Sibat Target-Phase 3 ng pulisya.

Pasado ala-1:30 ng madaling araw, ikinasa ang entrapment ­operation laban sa mga suspek at nagpanggap na bibili ng baril ang isang pulis. Pero nang makatunog na pulis ang katransaksiyon, agad na bumunot ng baril ang mga suspek at pinutukan ang mga otoridad kaya’t napilitan silang gumanti dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawa.

Nasamsam sa pinangyarihan ng barilan ang isang Magnum 357 revolver Smith and Wesson na may kasamang apat na bala, da­lawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang cal.38 na may 4 na bala.

Ang suspek na si Castro ay may dati umanong kasong pagnanakaw matapos nitong tangayin ang isang service firearm shotgun ng isang security guard.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with