Pamilya pinasok, pinagsasaksak: 8-anyos patay, 2 kritikal
Ang namatay na batang biktima ay nakilalang si Christine Grace Caguioa habang nilalapatan pa ng lunas sa Ynares Hospital ang kanyang lola na si Luningning Caguiao, 84-anyos, at tiyuhin na si Eduardo Caguioa, 58, pawang naninirahan sa Marang St., Brgy. Maly, San Mateo.
STAR/File
Pamilya pinasok, pinagsasaksak: 8-anyos patay, 2 kritikal
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

RIZAL, Philippines — Nasawi ang isang 8-anyos na batang babae habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang lola at tiyo matapos silang pasukin sa loob ng kanilang ta­hanan,  pagsasaksakin at hatawin ng matigas na bagay sa ulo ng mga di kilalang salarin sa San Mateo, Rizal kahapon.

Ang namatay na batang biktima ay nakilalang si Christine Grace Caguioa habang nilalapatan pa ng lunas sa Ynares Hospital ang kanyang lola na si Luningning Caguiao, 84-anyos, at tiyuhin na si Eduardo Caguioa, 58, pawang naninirahan sa Marang St., Brgy. Maly, San Mateo.

Batay sa inisyal na ulat ng San Mateo Municipal Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang Angel Pintor dahil sa nangyaring malagim na insidente sa bahay ng mga biktima na natagpuang pawang duguan.

Kaagad na rumes­ponde ang mga awtoridad at isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit wala nang buhay ang paslit.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na pinasok ng mga hindi kilalang salarin ang bahay ng nasabing mag-anak at pinagsasaksak.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa krimen kung ito ay paghihiganti at upang matukoy ang mga suspek.

KRIMEN MASAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with