3 dayo mula Metro Manila na makikipaglibing sa Cagayan, positibo sa COVID-19
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Tatlong mister na dumayo mula Metro Manila upang makipaglibing sa yumaong kaanak ang nagpositibo sa COVID-19 sa Alcala, Cagayan noong Sabado.

Gayunman, niliwanag ni Alcala Mayor Cristina Antonio na hindi nagawang makisalamuha ang tatlo dahil isinailalim sila sa quarantine facility ng LGU pagdating nila sa Cagayan kasama ang anim pang iba mula Pasay City noong Biyernes.

Ayon kay Antonio, ang nagpositibo ay kinabibilangan ng isang 37- anyos na sekyu at dalawa pang kaanak na edad 21 at 40.

Ang anim na dayo ay may mga kaukulang travel clearances dagdag ng mayor.

Bukod sa tatlo ay nagpositibo rin ang tatlong katao na locally stranded individuals na umuwi sa Enrile at isa sa Tuao, Cagayan.

Isang OFW mula Saudi Arabia na umuwi sa Baggao, Cagayan at isa namang galing sa bansang Panama na umuwi sa Naguilian, Isabela ang nagpositibo rin sa Coronavirus.

Nagtala naman ng ikalawang kaso ang Mountain Province sa pamamagitan ng isang kasambahay na umuwi sa bayan ng Paracelis.

Isa ring kaso ng COVID ang inihayag sa Kabugao, Apayao na sanhi upang isailalim ang bayan sa 10-araw na lockdown.

Sa Ilocos Sur, naitala ang ikalimang kaso doon nang magpositibo ang isang 37-anyos na sekyu na taga-bayan ng San Ildefonso.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with