Top most wanted timbog sa Pampanga
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga , Philippines – Matapos ang 14-taong pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang  “top most wanted person”  na may kasong panggagahasa at pagpatay nang matunton sa kanyang lungga sa Barangay Kaduang Tete, bayan ng Macabebe, dito sa lalawigan kamakalawa.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ang suspek na si Jayson Valerio ay naaresto ng Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni P/Lieutenant Colonel John Clark sa pinagtataguang bahay nito sa Barangay Kaduang Tete, Macabebe sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Carmelita Gutierrez-Fruelda ng Regional Trial Court Branch 43 sa lungsod ng San Fernando.

Sinabi ni Col. Clark na nakatanggap sila ng impormasyon sa pinagtataguan ni Valerio kaya agad nila isinagawa ang pagsalakay sa kanyang hide-out sa Macabebe.  Si Valerio na may kasong rape at homicide ay ikinokosiderang “top most wanted person” sa bayan ng Mexico sa lalawigan.

RHODEL SERMONIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with