^

Probinsiya

2 killer ng mayor sa South Cotabato nahagip ng CCTV

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 killer ng mayor sa South Cotabato nahagip ng CCTV
Ang dalawang magkaangkas na suspek na sinasabing bumaril at pumatay kay Sto. Niño Mayor Pablo Matinong Jr. sa South­ Cotabato kamakalawa.
Rhoderick Beñez

MANILA, Philippines — Nahagip ng CCTV ang papatakas na dalawang suspek na responsable sa pagbaril at pagpatay kay Sto. Niño Mayor Pablo Matinong Jr., sa inilabas na video clip ng pulisya kahapon sa South Cotabato.

Tumugma ang footage mula sa CCTV at testimonya ng mga witness na ang suspek ay riding-in-tandem. Sakay ng itim na XRM motor na walang plaka, naka-mask at may mga sumbrero.

Kinumpirma naman ni Sto Niño Vice Mayor Sulpicio Villalobos, ang bayaw ng pinatay na alkalde, nakatanggap ng death threat si Mayor Pablo Matinong bago siya pinatay alas-8:00 ng umaga nitong Biyernes habang nagsasagawa ng inspeksyon sa isa sa mga road projects sa  Purok Li­bertad, Barangay Poblacion kung saan nasugatan pa ang isa sa mga testigo na kanyang kausap dahil sa ligaw na bala. Nagpapatuloy ang paghahanap sa mga suspek na nakunan ng CCTV footage.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with