^

Probinsiya

Parak napraning, pinatay ng mga kaanak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Parak napraning, pinatay ng mga kaanak
Kinilala ni P/Staff Sergeant Winston Arao ang nasawi na si P/Corporal Ronnie Ferdinand Paguirigan na nakatalaga sa tanggapan ng Police Regio­nal Office dito habang ang mga kaanak ay nadakip at nakilalang sina Jonel Balunsat, 25-anyos; Robinson, 39, Reymund, 19, at Jeffrey, 35, pawang Paguirigan ang mga apelyido.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 34- anyos na pulis ang patay matapos kuyugin ng mga kamag-anak niyang naglalaklakan nang magwala ang una at umano’y sinumpong ng kanyang sakit sa pag-iisip sa Brgy. Bagay sa lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Staff Sergeant Winston Arao ang nasawi na si P/Corporal Ronnie Ferdinand Paguirigan na nakatalaga sa tanggapan ng Police Regio­nal Office dito habang ang mga kaanak ay nadakip at nakilalang sina Jonel Balunsat, 25-anyos; Robinson, 39, Reymund, 19, at Jeffrey, 35, pawang Paguirigan ang mga apelyido.

Sa imbestigasyon, nagwala umano ang pulis matapos makaubos ng isang boteng gin dakong alas-7:30 ng gabi . Pagkatapos nito, lumabas ng bahay at tinungo ng biktima ang kumpulan ng mga kaanak na noon ay nag-iinuman din.

Bigla umanong kinuyog ng mga ma­nginginom ang pulis matapos siyang mambato ng mga paso ng halaman sa lugar.

Nabatid na sumasailalim sa gamutan sa sakit na “Schizophrenia” o pagka-praning ang pulis, bagay kung bakit ito nagwawala lalo na’t nalalasing.

Isinugod ang pulis sa isang pribadong ospital subalit idineklara na siyang dead-on-arrival dahil sa tindi ng natamong pinsala sa kanyang bungo.

Dinakip naman ng mga nagrespondeng kabaro ang mga kaanak ng biktimang pulis matapos ang insidente.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with