8 tiklo sa drug ops sa Angeles City
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

PAMPANGA - Arestado ang walo katao na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa ikinasang buy bust operations sa Brgy. Balibago, Angeles City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na sina Ron Jasper Gomez,33, residente sa Brgy.  Pulung Maragul; Analyn Canlas, 39, ng Brgy Balibago; Leny Mananquil, 32, ng Brgy Balibago; Rollie Cruz, 38; Vincent Baldepeñas, 24; Romel Orlan, 24; Gilbert Pamintuan, 24; at Aldie Gonzales, 23, ng Epza Resettlement Brgy. Pulung Cacutud, pawang sa naturang lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang pitong maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa pitong gramo at may street value P4,600.00, isang kulay itim na motorsiklo may plakang 4291-IK at perang ginamit sa operasyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with