^

Probinsiya

Puwersa ng 2 police station sa Ilocos Sur, sinibak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Puwersa ng 2 police station sa Ilocos Sur, sinibak
P/Ge­neral Archie Gamboa
STAR/File

2 pulis kinasuhan na sa rape-slay ng 15-anyos

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Iniutos ni PNP chief P/Ge­neral Archie Gamboa ang pagsibak kamakalawa sa mga miyembro ng dalawang police station sa bayan ng Ilocos Sur kasunod ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang pulis at dalawang iba pa kaugnay sa panghahalay at pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa bayan ng Cabugao.

Sinabi sa PSN ni Ilocos Sur Police Provincial Director Colonel Ronald Tagao na nakatakdang isailalim sa retraining ang buong puwersa ng police station ng Cabugao at San Juan na damay sa kapabayaan na nauwi sa pagpatay ng riding-in-tandem sa dalagitang si Fabel Pineda noong Hulyo 2.

Pinatay si Pineda matapos siyang magsampa ng kasong panghahalay kasama ang pinsang babae laban kina Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda sa Police Station ng Cabugao.

Matatandaan na di­nampot nina Ramos at Torda sina Pineda at 18 anyos nitong pinsan sa kasong paglabag sa curfew at social distancing matapos mahuli sa isang birthday party sa San Juan noong gabi ng Hulyo 1. Sa halip na ihatid pauwi sa kanilang bahay ang mga dalagita ay dinala sila ng dalawang pulis sa isang beach resort kung saan nila iniraos ang makamundo nilang hangarin.

Sinabi ni Tagao na naisampa na rin sa Department of Justice (DOJ) ang kasong murder laban kina Ramos at Torda, pawang nakatalaga sa San Juan Police Station dahil sa pagpatay kay Pineda 

Bukod sa dalawang pulis, kinasuhan din ng “obstruction of justice” si Staff Sergeant Merly Joy Pascua ng Women and Children’s Protection Desk sa Cabugao Police na umano’y nagbalewala sa banta sa buhay ni Pineda.

Parehong kaso rin ang isinampa laban kay Barangay Chairman Rolando Quilala ng Brgy. Palting, Cabugao na umano’y ginawang tagapamagitan ng dalawang akusadong pulis upang areglugin ng pera si Pineda.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with