IED pinasabog: Parak, 1 pa utas; 4 sugatan
MAGUINDANAO, Philippines — Isang pulis at isang sibilyan ang nasawi habang apat pang pulis ang nasugatan nang pasabugan ng isang improvised explosive device (IED) na itinanim ng mga ‘di kilalang suspek sa bahagi ng provincial road ng Barangay Poblacion Mother sa Shariff Aguak, Maguindanao nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si P/MSgt. Antonio Balasa at isang sibilyan na nakilala lang sa pangalang alyas Bobby, habang ang mga sugatan ay sina P/Sgt. Larry Amoran, P/SSgt. Guerero Domingo, P/Cpl Guai Mangrag at P/Cpl. Clyde Peria.
Sa ulat ng pulisya, pabalik na umano sa kanilang himpilan ang mga tropa ng pulis sakay ng kanilang patrol car nang sumabog ang itinanim na bomba ng ‘di pa matukoy na mga suspek alas-8:30 ng gabi na ikinasawi ng isa sa kanila habang nadamay sa pagsabog ang nasabing sibilyan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasiyon ng pulisya sa insidente.
- Latest