^

Probinsiya

PMA cadets, officials pinaaaresto sa Dormitorio hazing slay

Doris Franche, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
PMA cadets, officials pinaaaresto sa Dormitorio hazing slay
Inilabas ni Presiding­ Judge Maria Ligaya It­liong-Rivera ang unang­ warrant of arrest laban kay Julius Carlo Tadena dahil sa paglabag sa R.A. 11053 o ang Anti-Hazing Law. Nag-isyu rin siya ng warrant of arrest laban naman kina dating PMA Cadets Third Class Shalimar Imperial, Jr. at Felix Lum­bag Jr.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinaaaresto na ng korte sa Baguio City ang mga kadete at opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio noong 2019.

Inilabas ni Presiding­ Judge Maria Ligaya It­liong-Rivera ang unang­ warrant  of arrest laban kay Julius Carlo Tadena dahil sa paglabag sa R.A. 11053 o ang Anti-Hazing Law. Nag-isyu rin siya ng warrant of arrest laban naman kina dating PMA Cadets Third Class Shalimar Imperial, Jr. at Felix Lum­bag Jr.

Una nang kinasuhan ng murder sa Baguio City Prosecutor’s Office sina Imperial at Lumbag. Ang dalawa ang sinasabing nang-torture at nang-harass kay Dormitorio ng ilang buwan na naging dahi­lan ng pagkamatay ng huli noong Setyembre 17, 2019.

Sina Tadena, Imperial at Lumbag ay kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law at walang inirekomendang piyansa ang korte sa tatlo.

Bukod sa tatlong ka­dete, pinaaaresto rin ng korte ang mga PMA doctors na sina Captain Flor Apple Apostol ng Fort del Pilar Station Hospital, Major Maria Ofelia Beloy at Lieute­nant Colonel Ceasar Can­­delaria. Sila ay kinasuhan naman ng “murder due to negligence” at nag­takda ang korte ng P200,000 piyansa bawat isa sa kanila.

Matatandaang nasawi si Dormitorio sa loob ng PMA barracks matapos makaranas ng pambu­bugbog. Na-confine siya sa ospital ng dalawang beses at napag-alamang nagtamo ng mga pasa sa tiyan dahil sa hazing.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with