^

Probinsiya

Mister sinibak sa leeg ng 15-anyos pamangkin, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister sinibak sa leeg ng 15-anyos pamangkin, patay
Agad nasawi dahil sa malalim na taga sa leeg ang biktimang kinilalang si Randy Biong Urbistondo, magsasaka at re­sidente ng Brgy. Bonot.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  -- Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 41-anyos na mister matapos na pagtatagain ng kanyang 15- anyos na pamangkin sa leeg habang nakahiga sa upuang kawayan sa bahay ng isa nilang ka­mag-anak sa Brgy. Ma­gapo sa Tabaco City kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa malalim na taga sa leeg ang biktimang kinilalang si Randy Biong Urbistondo, magsasaka at re­sidente ng Brgy. Bonot.

Sumuko naman sa mga pulis at hawak na ng City Social Welfare ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Tope”, Grade 8 at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dumalaw sa kanyang mga kapatid at mga kaanak sa naturang barangay ang biktima at nagkaroon ng masayang inuman.

Gayunman, dakong alas-9:50 ng gabi nang ma­lasing ay nahiga sa kawayang upuan ang biktima pero nang nakita ang pamangkin ay pinagsalitaan umano niya ng masasakit kaya sa galit ng binatilyo ay kumuha ng itak.

Hindi na nagawa pang makabangon o ma­­kapanlaban ang biktima nang bigla siyang pagtatagain sa leeg ng pamangkin dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with