^

Probinsiya

3 ‘bagets’ pinalayas ng amo naglakad ng 58km pauwi

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Nasagip ng mga pulis-Tumauini mula Cagayan

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasagip ng mga awtoridad sa Isabela ang tatlong manggagawang tinedyer na naispatang naglalakad sa highway makaraang palayasin umano ng kanilang amo sa pinaglilingkurang junkshop sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Maj. Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police sa Isabela, ang tatlong na-rescue ay mga edad 13, 15 at 17, pawang residente ng San Nicholas, Cabanatuan City, Nueva Ecija

Ayon sa pulisya, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga pulis nang mamataan nila ang tatlong kabataang naglalakad sa gilid ng national highway malapit sa Tumauini public market.

Dahil sa ipinapatupad na quarantine protocols kung saan ipinagbabawal ang mga may edad 20 pababa at senior citizen na lalabas ng bahay ay agad na sinita ang tatlo  at tinanong kung saan sila galing.

Dito napag-alaman na pinalayas sila nitong Sabado ng kanilang amo sa pinapasukan na junkshop kung saan sila nagtrabaho ng mahigit 6 na buwan. Nagdesisyon umano silang maglakad na lamang pabalik sa Nueva Ecija matapos silang palayasin subalit suwerte naman na namataan ng mga pulis sa Tumauini na sa ngayon ay pansamantalang kumupkop sa kanila.

Nasa mahigit 340 kilometro ang layo mula Tuguegarao City hanggang Cabanatuan City, kung saan 58-kilometro na ang kanilang nalakad nang masagip sila sa bayan ng Tumauini.

Lumalabas na isang nagngangalang Leslie Estacio ang kumuha sa kanila mula Nueva Ecija at dinala sa kanyang junkshop sa Brgy. Annafunan, Tuguegarao City.

Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng pulisya ng Nueva Ecija para makabalik sa kanilang tahanan ang mga menor-de-edad.

vuukle comment

LAYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with