Tambubong interchange ng NLEX, bukas na
Ito ay makaraang pasinayaan ng nakalipas na linggo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang hudyat na tuluyan nang madadaanan ng mga motoristang papasok at palabas sa hilagang bahagi ng Bocaue.
Tambubong interchange ng NLEX, bukas na
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Bukas na ang bagong Tambubong Entry at Exits sa North Luzon Expressway o NLEX na pinondohan ng gobyero ng P170 milyon, ayon sa lokal na pamahalaan kahapon. 

 Ito ay makaraang pasinayaan ng nakalipas na linggo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang hudyat na tuluyan nang madadaanan ng mga motoristang papasok at palabas sa hilagang bahagi ng Bocaue.

 Matatandaan na binuksan na ito noong Marso 13 ngunit matapos ang halos tatlong raw, muli itong isinara nang isailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine. 

 Makalipas ang mahigit tatlong buwan, muli itong binubuksan para sa mga motorista. 

 Tinatawag na Tambubong ang nasabing bagong interchange dahil pangatlong interchange na ito sa Bocaue.  Ang una ay ang orihinal na Bocaue interchange na naitayo noong 1965 at ang bagong tayong Ciudad de Victoria interchange na papunta sa Philippine Arena at Santa Maria. 

 Ayon kay Villar, mapapaluwag pa nang husto ng bagong Tambubong Interchange ang daloy ng trapiko papunta at palabas sa Governor Fortunato Halili Avenue. Ito ang kalsadang nag-uugnay sa Bocaue at Santa Maria. 

 Dalawang linya na may habang 290 metro ang entry ramp na papasok sa southbound lane ng NLEX o direksyon na paluwas sa Metro Manila.  Tatlong linya naman na may habang 240 metro ang exit ramp mula sa northbound lane o direksyon na galing sa Metro Manila. Dalawang linya rin na may habang 180 metro ang entry ramps papunta sa northbound lane o direksyon papuntang Pampanga.

 Wala itong exit na galing sa southbound na papasok sa Tambubong, kaya’t ang mga sasakyan na mula sa direksyong ito ng NLEX ay dapat pumanhik sa kalapit na Bocaue exit.

Nasa P80-milyon ang inilaan ng DPWH para sa paglalatag ng mga entry at exit ramps at P90 milyon  naman ang ginugol ng NLEX Corp. para sa itinayong mga toll plazas at mga electrical systems nito.

 Ayon kay NLEX Corporation President Luigi Bautista, magbibigay ng malaking kaginhawahan ang pagbubukas ng Tambubong interchange sa mabilis na pagdaloy ng komersiyo at kalakalan. 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with