3 lugar sa Baliwag naka-total lockdown
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Inilagay ni Mayor Ferdie Estrella sa total lockdown ang tatlong lugar sa tatlong magkakaibang barangay dito dahil sa pag­laganap ng COVID-19.

Ang tatlong lugar ay matatagpuan sa isang bahagi ng Libis sa Barangay Poblacion, isang compound sa Calderon Street sa Barangay Subic at isang bahagi ng Zone 5 sa Barangay Tangos.

Epektibo ang lockdown sa mga nasabing lugar simula alas-12 ng tanghali nitong Biyernes (July 3) hanggang sa ang lahat ng mga sumailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) ay meron nang resulta ngunit hindi lalampas sa 14 na araw.

Nitong Hulyo 3, ­umabot na sa 38 katao ang positibo sa CO­VID-19 sa bayan, 19 dito ay nakarekober na, 18 kaso ang sumasailalim sa gamutan at ang isa ay namatay. Nasa kabuuang bilang ng 861 persons under monitoring kung saan ang 118 ay nasa ilalim ng active status at 743 ang nakumpleto ang kanilang quarantine.

Naglabas si Estrella ng Executive Order (EO) 27 series of 2020 kung saan ang mga residente ng Baliwag na nagtatrabaho at nag-aaral sa National Capital Region (NCR), ang mga Rehiyon 6,7 at 8 ay binigyan hanggang Hulyo 15 upang maghanap ng isang lugar na malapit sa kanilang mga trabaho kung saan maaari silang manatili sa panahon ng pandemya.

Pinapayuhan ang mga Baliwagenyos na huwag mag-imbita ng mga residente mula sa Metro Manila o NCR sa kanilang mga pagpupulong at kung hindi maiiwasan ito, dapat magrehistro ang inanyayahang panauhin sa sistema ng “iamsafe” ng bayan para sa mas mabilis na mga pamamaraan sa contact tracing.

COVID-19 LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with