2-anyos pisak sa pickup truck
Nakilala ang biktima na si Arvin Ken Albotra, residente ng 11 Hec, Block 36, Lot 2, Phase 2, Tower Ville, San Jose Del Monte City.
STAR/File
2-anyos pisak sa pickup truck
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

BULACAN , Philippines - Agad na nasawi ang 2-anyos na batang lalaki matapos mabundol at masagasaan pang muli ng isang pickup truck habang naglalaro malapit sa kanilang tahanan sa nasabing Lungsod kamakalawa ng hapon sa San Jose del Monte City.

Nakilala ang biktima na si Arvin Ken Albotra, residente ng 11 Hec, Block 36, Lot 2, Phase 2, Tower Ville, San Jose Del Monte City.

Ayon sa ina ng biktima na si Ariane, 21, may-asawa, namatay ang kanyang anak sanhi ng matin­ding pinsalang tinamo sa ulo nito nang magulungan ng unang bahagi ng gulong ng kulay puting Mitsubishi Strada at pagkaraan ay nasagasaan pa ulit ang dibdib nito ng huling bahagi ng gulong.

Kinilala ang driver suspek na si Enrico Lapig, 49, ng Barangay Bigte, Norzagaray, Bulacan na kasalukuyang nakakulong sa CSJDM Police Station.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5 ng hapon habang nakikipaglaro ang bata sa kanyang tiyuhing si Marlon Santos, 42, sa kanto malapit sa bahay nito nang biglang banggain ng humahagibis na pickup ang una. Nagawa pang tumayo ang biktima na tila walang nangyari subalit muling umarangkada ang pickup kaya’t dito na siya nagulungan ulit sa hulihang gulong ng sasakyan na agad niyang ikinasawi. 

2-anyos pisak sa pickup truck

Omar Padilla

PISAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with