^

Probinsiya

Parak inutas ng rider sa checkpoint, 3 pa sugatan

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Parak inutas ng rider sa checkpoint, 3 pa sugatan
Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-11:00 ng umaga habang nagbabantay sa quarantine checkpoint ay hinarang ni Paclibar ang ‘di kilalang suspek na lulan ng motorsiklo at hinanapan ng rehistro ng motor at driver’s license ngunit habang binubusisi nito ang ibi­nigay na papeles ay bigla na lamang bumunot ng cal. 45 na baril ang suspek at binaril sa ulo ang pulis na agad namatay.
STAR/File

SULTAN KUDARAT , Philippines — Patay ang isang pulis nang barilin sa ulo ng isang rider na kanyang sinita sa quarantine checkpoint habang nasugatan din ang tatlong kasamahan nito kabilang ang isang barangay health worker (BHW) sa Purok Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing pulis na si P/Exe­cutive Master Sergeant Wilson Paclibar, nakatalaga sa Esperanza Municipal Police Station at nagbabantay sa quarantine checkpoint habang ang mga sugatan ay sina P/SSg Chato Maycong, Josephine Danggan, BHW at isang Mr. Saldo alyas Lanto na isang tanod ng Barangay Poblacion.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-11:00 ng umaga habang nagbabantay sa quarantine checkpoint ay hinarang ni Paclibar ang ‘di kilalang suspek na lulan ng motorsiklo at hinanapan ng rehistro ng motor at driver’s license ngunit habang binubusisi nito ang ibi­nigay na papeles ay bigla na lamang bumunot ng cal. 45 na baril ang suspek at binaril sa ulo ang pulis na agad namatay.

Pinagbabaril din ng suspek sina Maycong, Danggan at Saldo na nagtamo ng sugat sa kamay at braso.

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

CHECKPOINT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with