^

Probinsiya

Team leader ng factory dedo sa ambush

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin ang isang team leader ng isang pabrika matapos tambangan habang naglalakad papasok sa trabaho kahapon ng umaga sa Brgy Manggahan, Gen. Trias City.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima na nakilalang si Shaeffer Glenn Bisa, 27-an­yos, binata, team leader ng Mechatronics Unit ng GP Synergia Tech Corp. FCIE at residente ng B6 L4 P1, Tsarina Grandvilla, Brgy.Manggahan, Gen. Trias City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni Pat Ruelord Magbitang, alas-8:40 ng umaga habang nag­lalakad ang biktima at papasok na sana sa factory nang bigla na lamang pagbabarilin ng armadong suspek.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang salarin.

Sinisiyasat pa ng pu­lisya ang motibo sa pagpatay at sino ang res­ponsable dito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with