Nakilala ang mga na­patay na sina Rahib Lumenda Esmail, Prati Kuludan, Arsad Ukom Utto at Aliofmer Talimbu, mga tauhan umano ni Kumander Ustadz Karialan ilalim ng Karialan faction ng Bangsamoro Islamic Free­dom Fighters.
Philstar.com/File
4 BIFF todas, 6 sugatan sa engkuwentro
Doris Franche, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

Maguindanao, Philippines — Apat na mga miyembro­ ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi at anim ang nasugatan sa nangyaring shootout sa checkoint ng Barangay Timbangan, Sharif Aguak, Maguindanao, kamakalawa ng alas-2:00 ng hapon.

Nakilala ang mga na­patay na sina Rahib Lumenda Esmail, Prati Kuludan, Arsad Ukom Utto at Aliofmer Talimbu, mga tauhan umano ni Kumander Ustadz Karialan ilalim ng Karialan faction ng Bangsamoro Islamic Free­dom Fighters (BIFF).

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago, sakay umano ang mga suspek ng isang Suzuki multicab na may plakang MAK- 9062 sa Brgy. Timbangan Sharif Aguak Maguindanao  pagsapit  sa PNP Checkpoint ay hinarang sila ng mga pulis at tinanong kung bakit may mga dala silang mga armas.

Nagpakilala ang mga suspek na mga tauhan ni Maguindanao Provin­cial Drug Enforcement Unit (PDEU) Chief, Major Edwin Tabora.

Dahil hindi naka-uniporme, hinanapan ng ID at dokumento ang apat sa kanilang dalang mga armas, subalit  big­lang namaril ang ilan sa mga suspek.

Dito na nakasagupa ng mga sundalo ang tinatayang 30 mga myembro ng BIFF na tumagal ng isang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig na kung saan apat ang tinamaan habang suga­tan naman ang anim pa ayon naman sa mga sibilyan na lumikas sa kasagsagan ng engkuwentro.

Umatras ang mga rebelde patungong Li­guasan Marsh nang paputukan sila ng militar gamit ang 105mm howitzers cannon.

Naisugod pa ang apat sa Maguindanao Provincial Hospital ngu­nit hindi na naisalba pa ng mga doktor dahil na rin sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Pinabulaanan na­man­ ni Major Tabora tauhan niya ang mga suspek na miyembro umano ng BIFF na sangkot sa illegal drug trade sa Ma­­guindanao.

Narekober sa mga nasawi ang apat na mga matataas na uri ng armas, mga bala, mga magazine at pampa­sabog.

Sa ngayon ay pina­igting pa ng militar at pulisya ang pagbabantay sa lalawigan ng Ma­guindanao laban sa mga armadong grupo.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with