Seaman, 1 pa tiklo sa P2 milyong shabu
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Isang seaman at kasama nito ang naaresto ng joint operatives ng Quezon­ at Lucena Drug Enforcement Unit sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Dalahican, kama­­kalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Quezon PNP Di­­rector PCol. Audie Madrideo, kinilala ang naaresto­ na si Alyson Penaflorida, 43, may-asawa, tubong­ Sta. Cruz Marinduque at kasalukuyang naninirahan sa Project 8, Cubao, Quezon City at ang sinasabing bagman na si Jaypee Alcantara, 34 ng Purok 2, Barangay Dalahican.

Ayon kina PLt.Col.’s Gaylor Pagala, QPDEU chief at Romulo Albacea, Lucena PNP Chief, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa gaga­wing transaksyon ng suspek sa nasabing barangay at matapos na isaayos ang plano sa drug operation ay ikinasa na ang buy bust sa suspek,dakong alas-11:15 ng gabi.

Nabilhan ng poseur buyer na pulis ang suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu habang sakay ito ng kanyang kulay gray na Toyota Vios kasama si Alcantara at sila ay inaresto.

Nakuha sa dalawa ang kabuuang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.00, 14 na piraso ng budol money at isang P1,000 marked money.

Ayon kay Penaflorida,sa pangambang hindi na siya makababalik sa barko dahil sa Covid-19 at hindi masuportahan ang pamilya kaya’t pinasok niya ang  pagbebenta na iligal na droga at patatlong beses na siyang nagbabagsak ng iligal­ na droga nagmula sa Manila kay Alcantara.

Mula nang dumating sa Maynila noong Mayo at sumailalim sa quarantine ay sumagi umano sa kanyang isip na baka magsara ang mga shipping companies kung kaya’t tinanggap ang alok ng isang kakilala na pasukin ang illegal trade.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with