CAFGU binoga ng kabaro sa loob ng kampo
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang binaril ng kapwa CAFGU sa loob mismo ng kani­lang kampo sa Barangay Gaggabutan West, Rizal, Cagayan, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng Rizal PNP ang biktima na si Adrin Dassun, 29, residente ng Barangay Gabbutan West habang ang suspek ay nakilalang si Joarly Cauilan, 42, re­sidente naman ng Barangay Linno-C sa na­sabing bayan at kapwa­ nakatalaga sa 17th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ng Philippine Army.

Lumalabas sa inis­yal na imbestigasyon ng pu­lisya na nagpapahi­nga noon ang biktima sa kanyang higaan, ma­­­lapit sa social hall ng kanilang kampo, nang pasukin ng suspek na armado ng isang cal. 45 at agad itong binaril dakong alas-10:30 ng gabi.

Agad naman na ina­resto ang suspek ng kanyang mga kasamahan at ipinasakamay sa PNP habang mabilis na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang biktima na patuloy pa ring inoobserbahan dahil sa natamong sugat sa katawan.

Napag-alaman na nasa impluwensya ng alak ang suspek nang pasukin at barilin ang kanyang kabaro at luma­labas na alitan kaugnay sa kanilang tour of duty ang ugat ng alitan ng dalawa.

CAFGU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with