P70 milyong shabu nasabat sa kotse, 8 timbog sa Bulacan
Sa ulat ni P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan Police, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Sandy Domingo, 41; Christian Villaflores, 39; pawang ng Brgy. Pantoc, Meycauayan; Nida Barrientos, 54; Rhodora Jose, 43; kapwa ng Tondo, Ma­­nila; Milky Joy Principe, 33; Marilao, Kevin Limbo­, 27; Bernard Flores, 46, ng Valenzuela City at Clifford Bello, 35, ng San Jose Del Monte City.
STAR/Miguel De Guzman, file
P70 milyong shabu nasabat sa kotse, 8 timbog sa Bulacan
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

MEYCUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Aabot sa P70 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 10 kilo ang nasabat ng pinagsanib na pu­wersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Meycauayan City Police sa isinaga­wang anti-drug operation sanhi ng pagkakaaresto ng walong hinihinalang drug pushers na lulan ng isang kotse kahapon ng umaga sa Brgy. Pandayan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan Police, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Sandy Domingo, 41; Christian Villaflores, 39; pawang ng Brgy. Pantoc, Meycauayan; Nida Barrientos, 54; Rhodora Jose, 43; kapwa ng Tondo, Ma­­nila; Milky Joy Principe, 33; Marilao, Kevin Limbo­, 27; Bernard Flores, 46, ng Valenzuela City at Clifford Bello, 35, ng San Jose Del Monte City.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-9:30 ng umaga nang madakip ang mga suspek habang lulan at nagsiksikan sa loob ng isang kulay gray na Toyota Camry na may plakang XNF- 319 na nasabing barangay.

Unang isinailalim sa surveillance ang mga sus­pek hanggang sa ma­kakuha ng tip ang mga awtoridad na magbabagsak ng droga sa nasabing lugar.

Ang mga ilegal na droga ay nagmula sa Mainland China at kabilang sa distribution ng droga ang Central Luzon, Metro Manila at ilang lugar sa Southern Tagalog.

Nabatid na karamihan sa mga suspek ay kabilang sa mga high value target (HVT) ng PDEA at PNP.

Nahaharap ang mga nasakoteng suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 11, 26 ng Article ll of Republic Act 9165 (Anti-Illegal Drugs Law).

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with