Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Cabiao
Dahil dito, umakyat na sa 74 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.
Google Map
Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Cabiao
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Nakapagtala na ng unang positibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Cabiao, dito matapos na ianunsiyo ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force (NE-IATF) kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 74 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, na siya ring pinuno ng NE-IATF, ang panibagong kaso ay si Patient #74 na 34-anyos na lalaki, isang seafarer, at nakatira sa Barangay San Roque, Ca­biao, N.E.

Ang pasyente umano ay may travel history sa Manila at ngayon ay na­ka-strict home quarantine na.

Sa pinakahuling datos ng DOH-NE, nana­natili sa 62 katao ang na­ita­lang nakarekober at habang tatlo ang nasawi sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with