Hi-tech na contact tracing isinulong sa Baliwag
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Isang high-tech na contact tracing ang itinulak ng pamahalaang bayan ng Baliwag sa pamamagitan ng paggamit ng QR code sa mga establisyemento bilang tugon sa paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Ferdie Estrella, ang IAMSAFE ay isang uri ng contact tracing platform na ginawa ng Municipal Information and Communications Tech­nology Office (MICTO). Aniya, ito ay naglalayon na mas mapabilis ang data gathering at monitoring ng lokal na pamahalaan, sa kalagayang pangkalusugan ng mga Baliwagenyo at mga bisita galing ibang bayan.

Binigyang diin ng alkalde, ang IAMSAFE na ang magsisilbing bagong logbook ng bawat establisimyento sa Baliwag bilang bahagi ng ipinatutupad na safety protocol ng pamahalaan at para na rin sa seguridad at kapakanan ng bawat mamamayan.

Paliwanag naman ni Brainard Ardoña, pinuno ng MICTO, na ang IAMSAFE ay puwedeng gamitin ng lahat. Kailangan lamang pumunta sa website na iamsafe.baliwag.gov.ph upang gumawa ng account at i-screenshot ang bibigay na QR o bar code, na siyang ipapakita sa bawat lugar na pupuntahan sa Baliwag.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with