33 katao nadale ng dengue sa evacuation center
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlumpu’t tatlo katao ang nagpositibo sa sakit na dengue sa isang araw sa isang eva­cua­­tion camp ng mga internally displaced persons na nabiktima ng lindol sa Barangay Luna Norte sa bayan ng Makilala, iniulat ng mga awtoridad kahapon.

Ayon sa Municipal Rural Health Unit na ipinarating ni Norma Bayan, ang barangay health scholar na naka­tutok sa nasabing evacuation center, karamihan sa mga dinapuan ng sakit ay mga bata.

14 sa nasabing bilang ang hindi na nagpa-confine sa doktor at pinili na lamang na sa evacuation center manatili.

Nabatid na mula sa bao ng niyog na nakakabit sa puno ng goma, posibleng nagmula ang lamok matapos na maimbakan ng tubig dahil sa mga nagdaang ilang araw na tuluy-tuloy na pag-ulan.

Nasa 41 na residente ang pinasuri sa doktor matapos na makitaan ng sin­tomas kung saan 33 dito ang nagposi­tibo sa dengue.

Martes ng umaga ng magsagawa ng fogging operation ang barangay sa tulong ng municipal rural health kasabay ng clean up drive operation sa lugar.

Nasa 171 ang mga pamilyang bakwit na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa nasabing barangay matapos na ‘di makabalik sa Barangay Bato sa Makilala, dahil sa naging “high risk” ang kanilang lugar noong nagdaang lindol.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with