Ayon kay Arigay Mayor Eric Sibuma, inilipat noong Hunyo 28 sa ITRMC ang pasyente mula sa La Union Medical Center kung saan siya na-confine nang lumabas ang resulta ng kanyang swab test noong Hunyo 26.
Walter Bollozos/ File
81-anyos na may COVID-19 natigok habang ginagamot
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Nasawi ang 81-anyos na lolo sanhi ng COVID-19 habang ginagamot sa isang ospital sa San Fernando, La Union noong Lunes.

Sa ulat, ang matandang pas­yente na nasawi sa Ilocos Trai­ning and Regional Medical Center (ITRMC) ay ang kauna-unahang kaso ng CODI-19 sa bayan ng Ari­ngan sa La Union.

Ayon kay Arigay Mayor Eric Sibuma, inilipat noong Hunyo 28 sa ITRMC ang pasyente mula sa La Union Medical Center kung saan siya na-confine nang lumabas ang resulta ng kanyang swab test noong Hunyo 26.

Dagdag ni Sibuma, ang lolo ay napag-alamang residente ng Valenzuela City at umuwi sa Arigay na kanyang bayang tinubuan noong Hunyo 21.

Matapos na lumabas ang resulta na positibo sa coronavirus ang lolo, agad na ipinatupad ang lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ang barangay na tinitirhan nito.

Sa ngayon, nag-iisa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa La Union sa katauhan ng isang 43-anyos na seaman mula sa bayan ng Bacnotan.

Sa tala, lima na ang nasawi sa 24 kaso ng COVID sa La Union at 18 dito ang nakarekober.

Samantala sa Isabela, nagpositibo sa COVID ang isang 35-anyos na la­laking overseas Filipino worker (OFW) mula South America.

Sinabi ni Mayor Ton-ton Uy ng bayan ng Cabatuan na diniretso ng mga health authorities sa quarantine facility ang OFW nang dumating noong Hunyo 14 at ipinasailalim na sa swab test kinaumagahan hanggang sa lumabas ang resulta na positibo sa virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with