Binata kinatay ng selosong 15-anyos
Sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen nang magselos ang binatilyo sa biktima dahil sa hinalang dinidiskartehan ang babaeng itinutu­ring niyang “puppy love”.
Philstar.com/Irish Lising
Binata kinatay ng selosong 15-anyos
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

Dahil sa ‘puppy love’

KIDAPAWAN CITY , Philippines – Dahil sa selos, pinagsasaksak ng isang 15-anyos na lalaki ang 28-anyos na binata na karibal nito sa kanyang “puppy love” sa Villamarzo Street, Kidapawan City, North Cotabato, kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay City Police chief P/Lt. Col Ramel Hojilla, ang nasawi ay nakilalang si Argie Supas Abelgas ng Barangay Poblacion ng lungsod habang ang suspek ay itinago ang pangalan dahil sa pagiging menor-de-edad.

Sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen nang magselos ang binatilyo sa biktima dahil sa hinalang dinidiskartehan ang babaeng itinutu­ring niyang “puppy love”.

Lumalabas na selos ang dahilan ng pana­naksak ng suspek sa nasabing biktima dahil sa isang pinag-aagawang babae na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Abelgas dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa panig ng pamilya-Abelgas, walang kasalanan ang biktima at nanindigan na hindi lamang isa ang suspek sa pananaksak dahil pinagtulungan umano ang kanilang nasawing kaanak.

RAMEL HOJILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with