SSS calamity loan, puwede hanggang September 14
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan - Bukas ang aplikasyon para sa Calamity Loan Assistance Program o CLAP ng Social Security System (SSS) hanggang Setyembre 14, 2020 para sa sinumang mi­yembro na naapektuhan ng husto sa umiiral na community quarantine dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay SSS Baliwag branch manager Marites Dalope, hindi na kailangang personal na sumadya sa mga sangay ng SSS upang magsumite ng aplikasyon sa CLAP. Kinakailangan lamang na magrehistro sa www.sss.gov.ph at pumunta sa My.SSS facility link upang makapagsumite ng aplikasyon. Doon din malalaman kung aprubado o hindi ang aplikasyon

Sinumang miyembro ng SSS ay puwedeng makahiram sa CLAP basta’t may kontribusyon sa nakalipas na 36 na buwan. Dapat ding walang pagkakautang sa anumang uri ng pautang ng SSS.

Ipinaliwanag pa ni Dalope na ang halaga ng maaaring mahiram ay ibabase sa one monthly salary credit o MSC.

Ang CLAP ay binuksan ng SSS sa pamamagitan ng Circular No. 2020-013 sa bisa ng Social Security Commission (SSC) Resolution No. 205 series of 2020, na inamyendahan ng SSC Resolution No. 235 series of 2020, 236 series of 2020 at SSC Resolution No. 237 series of 2020.

Ito ay bilang pagtugon na makapagbigay ng pag-agapay sa mga miyembrong lubos na naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19.

SSS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with