_ngayon
^

Probinsiya

Bangka sinalpok ng Hong Kong vessel: 14 Pinoy missing

Danilo Garcia, Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bangka sinalpok ng Hong Kong vessel: 14 Pinoy missing
Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga ng Hong Kong flag cargo vessel MV Veinna Wood ang MV Liberty Cinco (5) na pag-aari ng Irma Fishing and Trading at kinalululanan ng mga nawawalang mangingisdang Pinoy.
PCG/Released

MANILA, Philippines — Nasa 14 na Pilipinong mangi­ngisda ang pinagha­hanap ngayon matapos umanong salpukin ng isang Hong Kong vessel ang kanilang sinasakyang bangka sa Cape Calavite, Occidental Mindoro, Linggo ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga ng Hong Kong flag cargo vessel MV Veinna Wood ang MV Liberty Cinco (5) na pag-aari ng Irma Fishing and Trading at kinalululanan ng mga nawawalang mangingisdang Pinoy.

Lumilitaw na ang Hong Kong vessel ay umalis sa Subic patu­ngong Australia habang ang fishing boat na MV Liberty 5 ay galing naman ng Cagayan De Tawi-Tawi at patungo ng Navotas fishport nang mangyari ang insidente dakong ala-1 ng mada­ling-araw. 

Bunga nito, nawasak ang fishing boat ng mga mangingisda at nagpalutang–lutang sila sa dagat kung saan nangungunyapit umano sa nawasak na bahagi ng bangka nang iwan ng nasabing HK cargo ship.

Nakitang palutang-lutang ang mga tub na may marka ng “Irma” sa may bandang Cape Calavite, Occidental Mindoro. Nakita rin ang ilang parte ng barko dakong alas-10 ng umaga ngunit wala na ang sakay na 12 mangi­ngisda at dalawang kasamang empleyado ng Irma. Lubhang tinamaan ang gitnang bahagi ng nasabing barko.

Nagsimula nang maghanap ang Irma matapos na hindi masunod ang schedule ng pag-radio sa port ng nasabing fishing boat hanggang sa malamang hindi ito nakarating sa Navotas Fish Port ng 7 ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsasagawa na sila ng search and rescue operation at ipadala ang BRP Boracay sa Mamburao, Occidental Mindoro. Nagpadala rin sila ng karagdagang rescue team at dalawang chopper ng BN Islander at Airbus H145 na tutulong sa paghahanap sa mga nawawalang mangi­ngisda.

Samantala, kinalampag ni Gabriela Party­list Rep. Arlene Brosas ang PCG at hiniling na gamitin lahat ang mga barko, bangka at aircraft para sa search and rescue operation sa mga nawawalang mangingisda.

 “We demand an immediate and impartial probe on this latest incident as we fervently hope that our missing fishermen are far from danger,” ayon kay ­Brosas.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with