_ngayon
^

Probinsiya

60-anyos biyenan kinatay ng manugang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
60-anyos biyenan kinatay ng manugang
Dead-on-the-spot si Roberto Brigoli, 60, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jemil Comaingking, 22, at kapwa residente ng Brgy. Bagatayam, Sogod City, Cebu.
STAR/File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang bi­yenan nang pagsasaksakin ng manugang na kanyang kainuman sa kanilang tahanan sa Cebu City noong Sabado ng gabi.

Dead-on-the-spot si Roberto Brigoli, 60, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jemil Comaingking, 22, at kapwa residente ng Brgy. Bagatayam, Sogod City, Cebu.

Sa report ng Sogod Police, dakong alas 7:00 ng gabi habang  nasa kasarapan ng kuwentuhan at inuman ang magbiyenan nang ito ay mauwi sa mainitang pagtatalo.

Nakita na lamang ng kanilang kapitbahay na si Jason Hodaya na kumuha ng kutsilyo ang suspek at walang habas na pinagsasaksak sa katawan ang matandang biyenan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Humingi naman ng tulong si Hodaya sa mga awtoridad at agad na nadakip ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with