Pamilyang na-stranded sa Bulacan tinulungang makauwi ng Samar
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan - Isang pamil­yang itinuturing na locally-stranded individuals o LSIs ang tinulungan ni Gobernor Daniel Fernando na makauwi sa Barangay Cabaywa, San Sebastia?n, Samar.

Binubuo ng walong miyembro, nakatakdang lumipad ang buong pamilya ngayong araw, Linggo, lulan ng Cebu Pacific na sinagot ni Gob. Fernando.

Ayon sa governador, masaya siyang makatulong sa pamil­yang ito sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangu­nguna ni Rowena Joson-Tiongson na siyang nag-asikaso ng mga kinakaila­ngang dokumento tulad ng travel authority  at medical clearance certification.

Bukod dito, binigyan din ng libreng matutulu­yan at pang araw-araw na pangkabuhayan ni Fernando ang buong pamilya na naabutan ng lockdown sa Bulacan.

Upang matiyak din ang kanilang kalusugan, sinuri ang nasabing pa­milya kung saan lahat ay nag-negatibo sa coronavirus disease 2019.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga LSIs dahil sila ay pinabaunan pa ng P5,000 ng punong lalawigan.

STRANDED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with