Isang barangay sa Balagtas, Bulacan, isinailalim sa total lockdown
Ito ang ipinahayag ni Balagtas, Bulacan Mayor Eladio “Jr” Gonzales kahapon matapos na makapagtala ang nasabing barangay ng dalawang magkasunod na kaso ng COVID-19.
Philstar.com/Irish Lising, file
Isang barangay sa Balagtas, Bulacan, isinailalim sa total lockdown
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2020 - 12:00am

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Idineklara ng pamahalaang bayan ng Balagtas ang total lockdown sa Brgy. Pa­nginay na nagsimula kahapon ng alas-12:00 ng tanghali at matatapos ng alas-12:00 ng hatinggabi ng July 3.

Ito ang ipinahayag ni Balagtas, Bulacan Mayor Eladio “Jr” Gonzales kahapon matapos na makapagtala ang nasabing barangay ng dalawang magkasunod na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Darwin David, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG), nasa Local Government Unit (LGU) ng bawat bayan sa Bulacan ang pagpapasya kung magdedeklara sila ng total lockdown sa barangay na kanilang nasasakupan, depende aniya sa bilang ng kaso ng COVID-19.

Sinabi naman ni Brgy. Captain Rolando “Tabo” Santiago na mahigpit na ipatutupad ang total lockdown sa nasabing barangay at walang sinuman ang makalalabas at makapapasok ng Brgy. Panginay hanggang July 3.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with