^

99 COVID cases, 4 nasawi sa BARMM

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Umabot na sa 99 ang kaso ng Coronavirus disease o Covid-19 sa buong rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), iniulat kahapon.

Sinabi ni Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan na sa nasabing bilang 60 ang naka-confine sa isolation center, apat ang patay at 35 na ang naka-recover.

Nakapagtala naman ng 12 bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Lanao Del Sur, dahilan para umabot sa 69 ang kabuaang kaso ng positive patients sa probinsya.

Ayon kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., ang lahat ng mga bagong pasyente ay nasa isolation center na habang ginagawa ang contact tracing.

Ang mga bagong kaso ng coronavirus sa Lanao del Sur ay mga locally stranded individuals (LSI) at returning foreign wor­kers na nakauwi na sa lalawigan.

Sa Basilan, anim ang kaso ng COVID-19 na naiulat kahapon kung saan tatlo ang pinakabagong kaso, dalawa rito ang mga LSI at isang kaso ng local transmission.

BARMM COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with