PUVs balik-operasyon na sa Bulacan
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines  — Matapos ang mahigit tatlong buwang tigil pa­sada, balik-operasyon na ang mga pampublikong transportasyon sa Bulacan­ kabilang ang mga pampasaherong bus at dyip.

Nabatid na nasa 526 na yunit ng mga dyip at 510 na yunit ng bus ang nabigyan ng special per­mit-to-operate para makapagbigay serbisyo sa publiko.

Sa anunsyo ng Land Transportation Franchi­sing­ and Regulatory Board Region III sa ka­nilang opisyal na Facebook account, naglaan sila ng 1,598 na yunit ng dyip sa 26 na ruta sa Bulacan. Mula dito, 526 na ang balik-kalsada ha­bang 1,072 na yunit pa ang bukas sa mga nais mag-apply.

Kabilang sa mga ruta ang Angat-Baliwag via Bustos; Angat-Meycauayan; Angat-Santa Maria; Balagtas-Siling Matanda; Calumpit-Mey­cauayan; Calumpit-Plaridel; Hagonoy-Mey­cauayan; Hagonoy-Ma­lolos; Licaw-Licaw-Tung­kong Mangga; Bulakan-Malolos; Bulakan-Obando; Malolos-Pulilan; Mari­lao-San Jose del Monte; Minuyan Sapang Palay-Kaypian; Sampol-Meycauayan; Grotto-Sapang Palay; Sto. Nin?o-Meycauayan; SJDM-Tung­kong Mangga; Baliwag-Meycauayan; Baliwag-San Miguel; Capitol Malolos-Fausta Malolos-Meycauayan; Fatima-Sta. Cruz at Ca­lumpit-Meycauayan.

May 47 na yunit din ng P2P ang balik-biyahe sa limang ruta kabilang ang Malolos, Santa Maria o Bocaue, Balagtas, Pandi at Plaridel-North Edsa.

Samantala, sinabi ni Billy Tatil, pangulo ng Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers Association na nagpapasalamat siya sa ipinagkaloob na permit ngunit hindi pa sila tuluyang makabiyahe dahil sa gastos kaya hinihiling nila sa LTFRB ang pagtataas ng pa­sahe.

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with