Truck salpok sa trike: Mag-ama, 1 pa patay
Kinilala ng Santa Police ang mga nasawi na sina Jonathan Aquino, 50, na drayber ng traysikel, anak niyang si Gra­ciella Lyka Aquino, 20, at pamangking si Lovelle Aquino, 20.
STAR/File

Truck salpok sa trike: Mag-ama, 1 pa patay

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Hindi na umabot sa pagdiriwang kahapon ng Father’s Day ang tatlong katao kabilang ang isang mag-ama matapos silang masawi nang salpukin ng kasalubong na truck ang kanilang sinasakyang tricycle na una namang nabangga ng isang motorsiklo sa highway ng Brgy. Basug, Santa, Ilocos Sur noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Santa Police ang mga nasawi na sina Jonathan Aquino, 50, na drayber ng traysikel, anak niyang si Gra­ciella Lyka Aquino, 20, at pamangking si Lovelle Aquino, 20.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:14 ng gabi nang mawalan ng kontrol ang matandang Aquino matapos silang banggain sa likuran ng sumusunod na motorsiklo ni Alyssa De Peralta,19, hanggang sa mabilis na mapunta ang tricycle ng mga biktima sa linya ng kasalubong na trak.

Hindi na nakaiwas ang driver ng truck na si Nerwin Echinique, 49, dahil sa bilis ng pangyayari kaya nabangga nito ang tricycle na kinalululanan ng tatlong biktima.

Sa lakas ng salpok sa trak ay tumilapon saka nagpagulung-gulong sa kalsada ang mga Aquino na isinugod ng mga sumaklolo sa Metro Vigan Hospital sa bayan ng Bantay subalit idineklara silang dead-on-arrival. Isinugod naman sa ibang pagamutan si De Peralta kung saan siya nilapatan ng lunas habang ang drayber ng trak na nahaharap sa kaso ay isinailalim sa kustodya ng pulisya.

TRICYCLE TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with