Drag race umarangkada: 117 mananaya arestado
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mabulabog ng mga pulis ang nasabing drag race na kinabibilangan ng dalawang motorsiklo.
Boy Santos, file
Drag race umarangkada: 117 mananaya arestado
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2020 - 12:00am

Sa gitna ng ‘quarantine’ sa Bulacan

PULILAN, Bulacan, Philippines — Nasa 115 katao na mananaya na kinabibilangan ng 98 lalaki, 17 babae at dalawang menor-de-edad ang ina­resto ng mga otoridad matapos mahuli sa aktong nakikipagpustahan sa isang “drag race” o karera ng motorsiklo kahapon ng madaling araw sa bagong gawang by-pass road sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mabulabog ng mga pulis ang nasabing drag race na kinabibilangan ng dalawang motorsiklo.

Nauna nang nahuli ng mga pulis ang ilang mananaya na lulan ng 9 na kotse at isang van matapos na masita sila sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Pulilan.

Nabisto ang drag race matapos na makatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang concerned citizen na may magaganap na karera ng motorsiklo sa nasabing lugar.

Gamit ang “group chat” ng mga kasali sa drag race kung kaya nakakaimbita sila ng mga manunugal.

Karamihan sa mga naaresto ay mula sa Makati City, Caloocan City, Nueva Ecija at iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Napag-alaman na ang dalawang motorsiklong maglalaban na mula sa bayan ng Baliwag at siyudad ng Malolos ay mabilis na nakaeskapo mula sa mga otoridad.

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng mga naaresto dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ng IATF.

DRAG RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with