Bulacan COVID-19 cases mas mababa sa ilang lalawigan
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  – Nilinaw kahapon ni Gov. Daniel Fer­nando ng opisyal na pinakamababa pa rin ang Bulacan sa mga kaso ng COVID-19 kum­para sa mga lalawigan na nakapalibot sa Metro Manila.

Ang paglilinaw ni Fernando ay bilang reaksyon sa lumabas na balita kamakailan na  nagsasaad na “bumubuti na ang COVID situation ng buong Gitnang Luzon maliban sa Bulacan.”

“Bilang paglilinaw po, sa buong Central Luzon, ang Bulacan ang pinakamalapit na probinsya sa NCR. Alam po natin na NCR ang epicenter ng virus, it’s only logical na medyo mataas ang magiging COVID rate ng Bulacan due to its pro­ximity to Metro Manila,” anang gobernador.

Ikinumpara ng gobernador ang 273 na COVID cases sa Bulacan sa ibang lalawigan na nakapalibot sa Metro Manila kabilang ang Rizal, Cavite at Laguna at sinabi na ang lalawigan ang may pinakamababang bilang ng mga kaso. Nagtala rin ang Bulacan ng tatlong sunud-sunod na linggo na walang COVID deaths at may lumalaking bilang ng patient recovery.

Dagdag ni Fernando, ang Bulacan ang isa sa mga unang lalawigan ng nakapagtayo ng sariling ospital para sa COVID na pinondohan ng provincial government, ang Bulacan Infection Control Center na nagsimula ang operasyon noong Mayo 1, 2020; at sari­ling molecular laboratory (Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory) na inaasahang magsisimula ang operasyon sa susunod na buwan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with