7 âpusherâ huli sa P1.5 milyong shabu
Nakumpiska sa Brgy. Wawa ang may 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa anim na suspek na nakilalang sina Melissa Interior; Elmer Letigo; France Lui David; Jaypee Del Monte; Roy de Jesua at isang 16-anyos na menor de-edad.
STAR/File
7 ‘pusher’ huli sa P1.5 milyong shabu
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2020 - 12:00am

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Tinatayang aabot sa P1.5-milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na pu­wer­sa ng Bulacan Police at PDEA sa pitong suspek na hinihinalang drug pushers sa isinagawang magkasunod na buy-bust ope­ration sa bayang ito kahapon ng madaling araw.

Nakumpiska sa Brgy. Wawa ang may 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa anim na suspek na nakilalang sina Melissa Interior; Elmer Letigo; France Lui David; Jaypee Del Monte; Roy de Jesua at isang 16-anyos na menor de-edad.

Ang mga naarestong suspek ay pawang nasa Bulacan Unified Drug Watchlist na nadakip ng mga otoridad dakong alas-12:50 ng madaling araw.

Samantala sa Brgy. Borol 1st, naaresto rin si Candido Clemente, 39 anyos, may-asawa, tricycle driver ng P. Castro st, Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust laban kay Cle­mente at nahulihan siya ng 1 pirasong plastic sachet ng shabu. Nang siya ay kapkapan, nakuha dito ang 14 pang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 128 gramo at nagkakahalaga ng P870,000.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with