Ambush: 2 sundalo todas, 2 sugatan
Hindi muna inilabas ang pangalan ng dalawang sundalo habang dinala sa District Hospital sa San Jose, Occidental Mindoro ang sugatang sina Major Ephtaem Domingo at CAA Willy Gregorio upang malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan.
STAR/ File
Ambush: 2 sundalo todas, 2 sugatan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Patay ang dalawang sundalo habang dalawang iba pa ang sugatan sa ambush sa San Jose, Occidental Mindoro kamakalawa.

Hindi muna inilabas ang pangalan ng dalawang sundalo habang dinala sa District Hospital sa San Jose, Occidental Mindoro ang sugatang sina Major Ephtaem Domingo at CAA Willy Gregorio upang malapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Lt. Col. Alexander Arbolado, commanding officer ng 4th Infantry Battalion, dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa So Naitan, Brgy. Batasan, San Jose Occidental Mindoro.

Sakay ang mga biktima sa isang itim na Fort Everest (PNO 932) patungo sa Naibuan Patrol Base upang magsagawa ng joint inspection at ipamahagi ang subsistence allo­wance ng mga Cafgu nang makasalubong nila ang isang puting van na walang plaka sakay ang limang armadong suspek.

Bigla nalang nag-U-turn ang mga suspek at sinundan ang grupo ni Maj. Domingo at dito na sila pinaputukan hanggang sa gumanti ang mga sundalo pero minalas na napuruhan ang dalawa sa kanila at nasugatan ang nasabing opisyal at kasamang Cafgu.

Bago tumakas ang mga suspek, mabilis nilang tinangay ang pera na dala ng grupo ni Maj. Domingo.

Inaalam ng mga awtoridad kung robbery ang motibo ng pana­nambang dahil hindi umano kinuha o tinangay ng mga suspek ang mga baril ng mga biktima sa kanilang pagtakas.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga tumakas na suspek.

HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with